Itinaas ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price para sa pork products.
Mula sa dating P230 ay ginawang P260 na ang SRP para sa kada kilo ng kasim.
Mula naman sa P250 ay ginawang P280 na ang SRP sa kada kilo ng liempo.
Sa panayam ng Radyo INQUIRER kay DA Asec. Noel Reyes sinabi nitong sadyang kulang ang suplay ng karne ng baboy sa Metro Manila.
Payo naman ng DA sa mga mamimili isumbong ang mga nagbebenta ng baboy ng P300 pataas ang kada kilo.
MOST READ
LATEST STORIES