Trough ng Typhoon Rolly nagpapaulan na sa Biliran, Leyte at Samar

Nakararanas na ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas dahil sa trough ng Typhoon Rolly.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, alas 08:04 ng umaga ngayong Biyernes, October 30, 2020 mahina hanggang katamtamtan at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Biliran, at ilang bahagi ng Leyte at Samar.

Pinapayuhan ang mga residente na magantabay lamang sa mga inilalabas na abiso ng PAGASA.

Pinapayuhan din ang local disaster risk reduction and management council na imonitor ang sitwasyon at mga inilalabas na weather advisory.

 

 

 

Read more...