19 na volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon

Nakapagtala ng 19 na volcanic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.

Batay sa Kanlaon Volcano Bulletin ng Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, may naitala ring mahinang steaming activity sa bulkan na umabot sa 200 meters ang taas.

Ang sulfur dioxide na naitala sa bulkan noong Oct. 13 ay umabot sa 656 tonnes/day ang average.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 (Abnormal) sa Mt. Kanlaon at pinayuhan ang publiko na iwasan ang pagpasok sa permanent danger zone ng bulkan.

 

 

 

Read more...