Miyembro ng Maute Terror Group sumuko sa mga otoridad

Isinuko ng isang miyembro ng Maute Terror Group ang kaniyang sarili at mga armas sa militar.

Ayon sa ulat ng Joint Task Force ZamPeLan na isinumite kay WestMinCom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., kinilala ang sumuko na si Samad Macaampon Ali, 40 anyos at miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute Group.

Kusang isinuko ni Ali ang sarili sa mga tauhan ng 82nd Infantry Battalion.

Isinuko din ni Ali ang kaniyang M79 grenade launcher.

Ayon kay Vinluan, simula 2017 ay umalis na sa Maute Group si Ali dahil nais na niyang makapiling ang kaniyang pamilya.

 

 

Read more...