Pinangangambahang mahigit 60 ang nasawi sa landslides na naganap sa Central Vietnam bunsod ng pananalasa ng Typhoon Molave na dating Typhoon Quinta.
Ayon sa mga otoridad, ang Typhoon Molave ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa Vietnam sa nakalipas na dalawang dekada.
Nagdulot ito ng matinding buhos ng ulan sa nakalipas na ilang araw dahilan para makapagtala ng landslides.
Dalawang distrito ng Quang Nam Province ang labis na naapektuhan ng bagyo kung saan, 11 bahay ang natabunan ng pagguho ng lupa.
Hanggang Huwebes ng gabi, 21 katawan na ang nakuha ayon sa Red Cross.
MOST READ
LATEST STORIES