Bagyong may international name na Atsani lumakas pa; papasok sa bansa sa Linggo o Lunes

a Linggo o sa Lunes ay papasok naman sa bansa ang isa pang bagyo na mayroong international name na Atsani.

Ayon sa PAGASA, lumakas pa ang bagyo at nasa tropical storm category na.

Huli itong namataan sa layong 2,320 kilometers east ng Mindanao.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.

Papangalanang Siony ang bagyo sa sandaling makapasok na ng bansa.

 

 

 

Read more...