Typhoon Rolly lalakas pa sa mga susunod na oras; mananalasa sa Luzon sa Linggo at Lunes

Sa nakalipas na 24 na oras ay mabilis ang naging paglakas ng bagyong Rolly.

Ayon sa PAGASA, dahil nasa karagatan pa ang bagyo inaasahang sa susunod na mga oras at araw ay lalakas pa ang bagyo.

Ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 1,185 kilometers East ng Central Luzon.

Sa ngayon, 360 kilometers ang diameter ng bagyo, pero lalawak pa ang diametro nito sa susunod na mga araw.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Sinabi ni PAGASA Weather Specialist Loriedin Dela Cruz, simula mamayang hapon o gabi ay magtataas na Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) ang PAGASA sa ilang bahagi ng Bicol Region at sa Quezon Province.

Ayon kay Dela Cruz, Linggo ng tanghali hanggang sa Lunes ng maghapon ang pinaka-crucial point ng bagyong Rolly kung saan inaasahang mananalasa ito sa Luzon.

Posible aniyang umabot sa hanggang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) number 3 ang itataas sa mga daraanan ng bagyo.

Hindi rin inaalis ang posibilidad na umabot sa hanggang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) 4 ang itataas.

Ngayong araw magiging maulan na sa buong Visayas, Bicol Region, Northern Mindanao at Caraga dahil sa trough ng bagyo.

Northeasterly Surface Windflow naman ang magpapaulan sa Batanes at Cagayan.

 

 

 

Read more...