SSS pensioners maagang makatatanggap ng pensyon

Mapapaaga ang pagtanggap ng pensyon ng mga pensioners ng SSS.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay dahil natapat na weekend at special non-working holiday ang a-uno ng Nobyembre.

Kahapon sinabi ni Roque na sinimulan na ng SSS ang pagpondo sa unang batch ng November 2020 pension.

Ngayong araw dakong alas 12:00 ng tanghali, ire-release na aniya ng Development Bank of the Philippines ang pondo para sa pensyon.

 

 

 

Read more...