Typhoon Rolly tatama sa kalupaan ng Central Luzon-Quezon area; PAGASA posibleng magtaas ng hanggang TCWS No. 4

Sa Linggo o sa Lunes ay posibleng mag-landfall sa Central Luzon o sa Quezon area ang Typhoon Rolly.

Ayon sa PAGASA, alas 3:00 ng madaling araw ngayong Biyernes, Oct. 30 ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 1,195 kilometers East ng Central Luzon.

Lumakas pa ito at taglay na ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, habang papalapit sa landmass ng bansa ang bagyo, posibleng umabot sa hanggang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) number 3 at 4 ang itataas sa mga maaapektuhang lugar.

Ngayong umaga, ang trough ng Typhoon Rolly ay magpapaulan na sa Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, at Caraga.

 

 

 

 

Read more...