89 pang residente sa Eastern Visayas, gumaling sa COVID-19

Nadagdagan ng 46 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 783 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Huwebes ng gabi (October 29), 6,586 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 887 o 13.47 porsyento ang aktibong kaso.

89 namang residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 5,638 o 85.61 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 61 naman ang mga residenteng nasawi o 0.93 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...