Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Central Visayas, nasa 913

Nagkaroon pa ng 67 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 29, 22,322 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 913 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 43 ang bagong gumaling kung kaya 20,073 na ang COVID-19 recoveries.

Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,336 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...