Sa pahayag ni Cayetano, sinabi nito na ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon ang dapat maging prayoridad pa rin ng mga institusyon base sa Student-Athletes Protection Act.
Duda rin ang senadora kung may sapat na kakayahan ang mga paaralan para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyanteng atleta kung sila ay magbabalik sa kanilang trainings.
Ibinahagi ni Cayetano na siya ay dating student-athlete at naging miyembro pa ng national women’s volleyball team, bukod diyan may dalawang anak siya na kapwa atleta rin at ipinagdidiinan niya na mas mahalaga pa rin ang edukasyon.
“Are the schools prepared to spend for the bubbles, the isolated quarters, and the regular testing, in addition to the usual training expenses? From my own experience as a soccer mom, many schools cannot even ensure a sufficient budget for the medical expenses incurred by their student-athletes. How will they take on the full responsibility of securing the welfare of student-athletes, many of whom are below 21 years old, if they get mass infected by the virus?,” tanong pa ni Cayetano.
Diin din nito, maraming paraan naman para manatiling ‘mentally and physically fit’ ang mga student-athletes.