Sinabi ni Renan Oliva, director ng NBI Region 7, base sa kanilang imbestigasyon nagkaroon ng sabwatan ang kanilang mga kinasuhan para magkaroon ng fraudulent claim na P333,519.
Paliwanag niya, ‘upcasing’ ang nangyari para mataas na claim ang makuha ng ospital mula sa PhilHealth.
Sinabi nito na sa kaso ni ‘Patient X,’ tatlong beses itong nagnegatibo sa COVID-19 ngunit idineklara itong positibo sa sakit nang mamatay noong May 16, ngunit hindi isinama ang resulta ng swab test nito sa pag-claim ng insurance sa PhilHealth.
Base sa ulat ng kanilang medico legal officer, nadiskubre na ang pagkamatay ng pasyente at non-COVID 19 pneumonia.
Inirekomenda rin na maharap sa mga kasong administratibo ang mga sangkot na opisyal at kawani ng PhilHealth.