Ito ang masayang inihayag ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar matapos na maging zero COVID-case na ang Barangay Ilaya base sa ulat ng City Health Office (CHO) nitong Oktubre 28,2020.
Ayon sa report nasa kabuuang 106 residente ng Barangay Ilaya ang kumpirmadong nagkasakit,103 rito ang gumaling na at tatlo naman ang namatay.
Ikinalugod din ng alkalde ang patuloy na pagbaba ng bilang ng active cases sa lungsod sa mga nakalipas na araw at malaking bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit.
Nabatid na tig-1 na lang ang active case sa Barangays Daniel Fajardo at Manuyo Uno,tig-dalawa naman sa Talon Dos at Talon Kuatro habang tig-tatlo naman sa Talon Tres at Pilar.
“Ang ating lokal na pamahalaan ay hindi magpapakampante at patuloy na isasagawa ang mga kaukulang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa lungsod at matiyak ang kapakanan ng ating mga kababayan ngayong panahon ng pandemya,” binigyang-diin ni Mayor Aguilar.
Batay sa datos ng CHO nitong Oktubre 28,2020, nasa 101 ang active cases sa lungsod,4,553 ang kumpirmadong kaso ng COVID,4,274 rito ang mga gumaling na at nakalabas ng pagamutan o quarantine facilities at 178 naman ang naitalang namatay sa virus.
Nagpapatuloy ang Las Piñas City Government sa kanyang Expanded Targeted Testing at mas pinaigting ng CHO ang isinasagawang contact tracing katuwang ang 100 contact tracers na nakadeploy sa iba’t ibang barangay upang matunton ang mga suspected COVID cases at mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa sakit para matugunan ang kanilang pangangailangang pangkalusugan.
Kabilang na sa mga sumalang sa testings ang mga medical at health care workers,mga suspected COVID-19 cases, mga natukoy sa pinaigting na contact tracing ng CHO,mga kawani ng lokal na pamahalaan,barangay workers, pulis at tauhan ng BJMP,mga guro, vendors,tricycle at pedicab drivers.