Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, isa ang Sta. Ana sa mga institusyong pumalit sa Philippine Red Cross sa pagproseso ng OFW swab tests
October 14 nang tumigil na ang Red Cross sa pagsasagawa sa mga OFW dahil sa hindi binabayaran ng PhilHealth ang utang na halos P1 billion.
Ayon kay Moreno agad siyang lumapit kay IATF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez upang ialok ang tulong ng Sta. Ana Hospital, na kasalukuyang mayroong dalawang RT-PCR molecular labs.
Tiniyak naman ni Moreno na hindi titigil ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila na makipagtulungang sa Pambansang Pamahalaan hangga’t sa abot ng makakaya.
Sinabi naman ni Sta. Ana Hospital Director Dra. Grace Padilla, 200 tests ang kayang masuri kada araw