2019 SALN ng mga kongresista ng Makabayan bloc, isinapubliko

Inilabas na ng ilang kongresista mula sa Makabayan bloc ang kopya ng kanilang 2019 SALN.

Sa mga mambabatas mula sa Makabayan, si Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite ang pinakamayaman na may net worth na P3.7 milyon na sinundan nina Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate at ACT Teachers Rep. France Castro na kapwa mayroong P1.8 milyong ari-arian.

Si Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago naman ay may P104,400 total net worth.

Pinakamahirap sa mga ito si Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat na mayroon lamang P35,000 net worth.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na kopya ng summary ng 2019 SALN na inilalabas ang Mababang Kapulungan.

Read more...