Ayon kay Pangilinan, ang task force ay maaring pangunahan ng Department of Justice (DOJ) at bubuoin ng DOLE, Department of National Defense (DND), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI).
Ginawa nito ang hirit matapos niyang ipahayag ang kanyang pagkaalarma sa pagpasok ng apat na milyong Chinese simula noong 2017.
“Dapat alerto tayo. Kung hindi, baka gumising tayong hindi na atin ang Pilipinas. We must be on guard. If not, the next thing we know is we are already sharing bed with the enemy,” aniya.
Paglilinaw nito, hindi naman lahat ng Chinese sa bansa ay iba ang pag-uugali, ngunit katuwiran ni Pangilinan, hindi naman dapat palagpasin ang pagdagsa nila sa bansa lalo na may isyu ng agawan ng teritoryo sa pagitan ng Pilipinas at China.
Dagdag pa nito, sa pagdagsa ng mga Chinese sa bansa ay maaring maraming oportunidad para sa mga Filipino ang nawawala.