Bilang ng active cases sa Mandaluyong City, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng Coronavirus Disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Huwebes, October 29, 3:34 PM), umabot na sa 179 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 12 bagong kaso.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 5,089 kung saan 18 ang bagong naitala.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 172.

Umabot naman na sa 5,440 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng probable ay 1 habang 1,049 naman ang suspected cases.

Read more...