Bilang ng mga naka-recover sa Muntinlupa City, nadagdagan pa

Tumaas pa ang bilang ng mga naka-recover sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government (Huwebes, October 29, 5PM), nasa 4,433 na ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa COVID-19.

Ang bilang ng active cases sa lungsod ay 60.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nasa 151 na kung saan nadagdagan ito ng 1.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ay 4,644 na.

Samantala ang bilang ng probable ay 267 habang 97 naman ang suspected.

Read more...