Layunin ng ordinansa na mabigyang proteksyon ang mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, and queer (LGBTQ+) community.
Ani Mayor Isko, nakakaranas ng diskriminasyon ang mga nasa LGBTQI community
Sa ilalim ng ordinansa, pinagbabawalan na limitahan ang access sa trabaho, promotion opportunities, transfer, training, schooling, at iba pa.
Nasa P1,000 multa at pagpakulong ng anim na buwan ang maaaring kaharapin ng sinumang lalabag sa ordinansa para sa unang offense.
Para sa second offense, P2,000 multa at pagkakulong ng hanggang walong buwan habang sa third offense naman ay P3,000 multa at pagkabilanggo ng isang taon.
Para sa mga susunod pa, multa na P5,000 at pagkakulong ng isang taon ang magiging parusa.