Severe Tropical Storm Goni, nasa loob na ng bansa; Tatawagin na itong #RollyPH

Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm na may international name na “Goni.”

Ayon sa PAGASA, nakapasok ng teritoryo ng bansa ang bagyo bandang 5:30 ng hapon.

Dahil dito, tatawagin na ang naturang bagyo bilang “Rolly.”

Maglalabas ng update ng PAGASA hinggil sa bagyong Rolly simula 11:00, Huwebes ng gabi (October 29).

Read more...