Mabini, Batangas muling niyanig ng lindol

Muling nakapagtala ng pagyanig sa Batangas.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng magnitude 4.4 na lindol sa layong 16 kilometers Northwest ng Mabini dakong 3:23 ng hapon.

2 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na intensities:
Intensity II- Batangas City, Mabini, Talisay, San Luis, Batangas; Tagaytay City, Indang, Cavite

Naitala naman ang instrumental intensities sa:
Intensity IV- Calatagan, Batangas
Intensity III- Tagaytay City
Intensity II- Bacoor City, Cavite; Muntinlupa City

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa Mabini at mga karatig-bayan.

Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...