WATCH: Roque, nanindigang hindi siya nakikialam sa halos P1-B utang ng PhilHealth sa Red Cross

Nanindigan si Presidential spokesman Harry Roque na hindi siya nakikialam sa P1 bilyong utang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross dahil sa COVID-19 swab test sa mga umuuwing overseas Filipino worker.

Tugon ito ni Roque sa pahayag ni Philippine Red Cross chairman Richard Gordon na panay sawsaw at bira si Roque sa isyu.

Ayon kay Roque, hindi niya personal na opinyon ang mga inilalabas na pahayag sa publiko kundi inilalabas lamang niya ang mga sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hindi naman tayo nanghihimasok sa issue ng PhilHealth at ng Philippine Red Cross. Kaya nga lang po, nagsasalita sa ngalan ng ating Presidente. At importante po talaga kay Presidente Duterte ang testing dahil alam po natin na napakaimportanteng kabahagi ito ng ating istratehiya laban sa COVID-19, ang malawakang COVID19 testing,” pahayag ni Roque.

Sa ngayon, nagbayad na ang PhilHealth ng P500 milyon sa Red Cross para ituloy lamang ang pagsasagawa ng swab test sa mga OFW.

Ayon kay Roque, babayaran ang kalahating utang na P500 milyong pa kapag natapos na ang ginawang pag-aaral ng Department of Justice (DOJ).

“Bukod pa po dito, ang inyong abang lingkod naman po ay alam naman natin na tayo ang kauna-unahang nagsulong ng Universal Healthcare bill sa mababang kapulungan noong 17th Congress at dahil dito po meron naman p tayong interes na siguruhin na ginagawa ng Philhealth ang kanyang katungkulan dahil sila po ang nagpapatupad ng Universal Healthcare at ito pong testing ay isa po sa mandato talaga ng Universal healthcare. paglilinaw lang po,” pahayag ni Roque.

October 14 nang itigil ng Red Cross ang swab test dahil lumobo na sa P1 bilyon ang utang ng PhilHealth.

Binigyan ng palugit na tatlong araw ng Red Cross ang PhilHealth na bayaran nang buo ang utang para magtuloy tuloy ang swab test sa mga OFW.

Narito ang buong report ni Chona Yu:

Read more...