Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, nakausap na niya ang Pangulo at sinabi nitong suportado niya ang hakbang ni Locsin.
Sinabi pa ni Go na aarangkada ang imbestigasyon base sa Foreign Service Act of 1991.
“The impartial investigation will be carried out consistent with relevant provisions of the law, particularly the Foreign Service Act of 1991,” pahayag ni Go.
Sinabi pa ni Go na noon pa man ay naging tagapagtaguyod na si Pangulong Duterte ng proteksyon at kapakanan ng mga manggagawa.
“The President has always been firm-the protection and promotion of the rights, welfare and well being of Filipinos overseas is a paramount responsibility of our government,” pahayag ni Go.
Nag-viral ang video ni Mauro nang makita sa CCTV na sinasabunutan, sinasapak at sinasaktan ang 51-anyos na kasambahay.
Pinauwi na ni Locsin si Mauro para sumalang sa imbestigasyon.