BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 376,935

Mahigit 1,700 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (October 29), umabot na sa 376,935 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 39,940 o 10.6 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,761 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

83.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.9 porsyento ang asymptomatic; 2.1 porsyento ang severe habang 3.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 33 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,147 o 1.90 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 740 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 329,848 o 87.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...