55 LSIs nakauwi na ng Cagayan de Oro

PPA photo

Ligtas na naihatid ang 55 locally stranded individuals (LSIs) sa pantalan sa Cagayan de Oro, araw ng Huwebes (October 29).

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), lulan ang mga LSI ng MV Trans Asia 19, MV Trans Asia 10 at MV Lite Ferry 8.

Nagmula ang mga LSI sa Bohol at Cebu.

Pagdating sa pantalan, agad isinailalim ang mga LSI sa health and safety protocol para hindi mahawa ng COVID-19.

Sa huling datos ng PMO Misamis Oriental/CDO, nasa 26,802 LSIs/ROFs na ang naserbisyuhan sa CDO Port mula ng payagan ang biyaheng pandagat sa gitna ng banta ng COVID-19.

Read more...