Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, kailangan ang Department of OFW para tugunan ang mga problema at pangangailangan ng mga overseas workers lalo sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Hindi aniya lingid sa kaalaman ng lahat na mula ng magkaroon ng COVID-19 outbreak ay maraming OFWs ang nagsiuwian ng bansa matapos mawalan ng trabaho.
Inaasahan din ng Speaker ang repatriation ng libu-libong OFWs sa mga susunod na buwan dahil sa epekto sa global economy ng pandemya.
Nauna nang napagtibay noon pang Marso sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 5832 o ang Department of Filipino Overseas (DFO).
Sa report ng Department of Labor and Employment (DOLE), aabot sa 500,000 OFWs ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa epekto ng pandemya habang 70,000 pa na OFWs sa buong mundo ang stranded pa hanggang ngayon.