Ilang lalawigan sa Luzon, uulanin pa rin

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:09 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Batangas, Quezon, Laguna at Zambales.

Maaapektuhan din ang Cavite partikular sa Magallanes, General Emilio Aguinaldo at Maragondon.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...