Tumamang lindol sa Batangas, itinaas sa magnitude 5

(UPDATED) Itinaas sa magnitude 5 ang tumamang lindol sa Batangas.

Base sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 9 kilometers Southwest ng Mabini dakong 1:25 ng hapon.

2 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na intensities:
Intensity IV- Mabini, San Luis, Lemery, Rosario, Agoncillo, Calatagan, Balayan, Bauan, Sta. Teresita, Batangas; Tagaytay City, Alfonso & Amadeo, Cavite
Intensity III- Batangas City; Malvar, Talisay, Tanauan, Alitagtag Batangas; San Pablo, Laguna
Intensity II- Quezon City; Mandaluyong City; Navotas City; Majayjay, Laguna; Dolores, Quezon
Intensity I- Malabon City; Pasay City; Talisay, Batangas; Sta. Cruz, Laguna

Naitala naman ang instrumental intensities sa:
Intensity IV- Calatagan, Batangas; Tagaytay City
Intensity II- Muntinlupa City; Dolores, Quezon
Intensity I- Quezon City; Carmona and Bacoor City, Cavite; Mauban, Quezon; Talisay, Batangas

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa Mabini at mga karatig-bayan.

Ngunit, babala ng ahensya, posibleng makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...