Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales October 29, 2020 - 07:20 AM

Muling nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 200.15 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (October 29) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 199.65 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.99 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 100.91 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan din na nasa 79.18 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.09 meters.

Ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Caliraya dam.

Samantala,patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dams.

Dalawang gate ang bukas sa Ambuklao dam katumbas ng 0.8 meters ng tubig ang pinapakawalan, tatlong gate naman ng Binga dam ang bukas katumbas ng 1.5 meters ang pinakakawalang tubig habang bukas din ang isang gate ng Magat na katumbas ng 2 meters na tubig.

 

 

 

TAGS: Angat Dam, dam status, Pagasa, water level, Water supply, Angat Dam, dam status, Pagasa, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.