Pumalya ang preno ng isang 26-wheeler truck at sumalpok sa isang establisyimento sa Masinag Market sa Marcos Highway, Antipolo City.
Dahil dito, patay ang tindero ng nabanggang tindahan ng poultry supply habang walong iba pa ang sugatan kabilang ang driver ng truck na naipit pa sa truck.
Nahirapan pa ang mga rescuers na ilabas ang driver dahil sa lubhang pagkaka-ipit nito.
Bukod sa gusali, nadamay rin sa aksidente ang tatlong sasakyan kabilang na ang isang ambulansya.
Naganap ang aksidente pasado alas-4 ng hapon ng Lunes, na sumakop sa dalawang lanes ng kalsada kaya sumikip rin ang daloy ng trapiko.
As of 11pm, sinusubukan pa ng Metropolitan Manila Deveopment Authority (MMDA) na hilahin na ang truck para maiayos na ang daloy ng trapiko.
Humingi naman ng pang-unawa ang mga otoridad sa mga motorista dahil sa perwisyong naidulot ng aksidente.
Mahigit pitong na oras na kasi ang itinagal ng operasyon ng mga otoridad, dahil inuunti-unti rin nila ang pag-hila sa truck upang matiyak na hindi guguho ang gusali na nabangga nito.