1 patay, 6 sugatan sa sunog sa Lian, Batangas

lian batangas
Larawan mula sa Google

Isa ang patay samantalang anim ang nasugatan habang dalawang bata pa ang nawawala sa sunog na naganap sa isang gusali sa Poblacion, Lian, Batangas Miyerkules ng madaling-araw.

Nabatid mula kay Batangas PNP Provincial Director Omega Jireh Fidel na tinupok ng apoy ang limang palapag na gusali ng Triple J Marketing na pag-aari ni Hernando Johnson.

Kinilala ang nasawi na si Analysa Johnson, 50 anyos habang isinugod naman sa Apacible Memorial District Hospital ang anim na sugatan.

Hinihinala namang na trap sa loob ng nasunog na gusali ang dalawang nawawalang bata.

Inaalam pa rin naman ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy sa nasabing sunog gayundin ang halaga nito. /Erwin Aguilon

Read more...