Heavy to Intense Rain sa Metro Manila

makati skyline
Kuha ni John Roson/Bandera

Nag-isyu ng Thunderstorm Advisory ang PAGASA para sa Kalakhang Maynila na tatagal ng dalawang oras.

Sa Advisory ng PAGASA na ipinalabas alas 8:10 AM, makakaranas ng ‘heavy’ hanggang ‘intense’ na pagbuhos ng ulan ang mga lugar ng Marikina, Manila, Pasay, Mandaluyong, SanJuan, Makati, CAMANAVA, at Quezon City.

Sa Rizal, maapektuhan ng thunderstorm ang bayan ng Rodriguez, samantalang sa Bulacan, maapektuhan ang mga lugar ng Meycauayan, Obando,at San Jose Del Monte.

Ilang bahagi namang ng Bataan, Cavite, Batangas, ang uulanin resulta ng thunderstorm. / Jay Dones

Read more...