Sinabi ni Candice Iyog, VP for Marketing and Customer Experience, ang hakbang ay base na rin sa kahilingan ng kanilang mga pasahero at layon nito na mapag-isipan pa ang kanilang pagbiyahe.
Ayon pa kay Iyog, hanggang dalawang taon ang bisa ng travel fund at maaari na itong magamit kahit isang taon pa bago ang target date ng biyahe.
Aniya, ang virtual wallet ng pasahero ay maaaring magamit hindi lang sa ticket kundi maging sa karagdagang baggage allowance at seat blocking.
Nag-aalok din ang Cebu Pacific ng unlimited rebooking ng walang bayad.
“Those who wish to postpone travel plans may opt to rebook their flights as many times as possible, allowing passengers to better manage their plans, considering the fluidity of the situation,” sabi pa ni Iyog.
Samantala, ang mga nakanselahang biyahe ay may mga opsyon na ilagay sa Travel Fund ang halaga ng ticket hanggang dalawang taon, unlimted rebooking at full refund.