430 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas

Umabot sa 430 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Martes ng hapon (October 27), hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (October 28).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 238 kung saan 117 ang adult habang 121 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 157.

Apat naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, isa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas, 19 ang umiinom, isa ang naninigarilyo habang siyam sa iba pang ordinansa.

Read more...