Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 28, umakyat na sa 16,337 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,085 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 78.41 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
123 naman ang gumaling pa kaya 12,869 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umakyat naman sa 383 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES