Sa huling datos hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (October 28), umakyat na sa kabuuang 5,125 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 88 ang aktibong kaso o katumbas ng 1.7 porsyento.
Walo naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 4,890 na ang total recoveries o 95.4 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.
Umakyat naman sa 147 ang pumanaw o 2.9 porsyento.
MOST READ
LATEST STORIES