DOTr, inabisuhan ang lahat ng airport passenger na mag-download ng contact tracing app

Nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng pasahero ng paliparan na mag-download sa cell phone at mag-register ng account sa TRAZE Contact Tracing App simula sa November 28, 2020.

Ang TRAZE ay isang unified contact tracing app na na-develop ng Philippine Ports Authority (PPA) at Cosmotech Philippines, Inc.

Layon nitong mapagtibay at mapadali ang contact tracing ng gobyerno.

Sa pamamagitan ng naturang app, mas mapapabilis ang proseso ng contact tracing kumpara sa mano-manong proseso.

Tiniyak ng DOTr na ligtas ang mga impormasyon sa app dahil sumusunod ito sa Data Privacy Act (DPA) o Republic Act No. 10173.

Sinabi ng kagawaran na dapat makapag-register bago ang pagpasok sa paliparan.

Samantala, para naman sa mga pasahero na walang cell phone o iba pang uri ng mobile gadget, maaaring magpunta sa Malasakit Helpdesk sa paliparan upang matulungang makakuha ng QR code.

Maaaring gamitin ang QR code sa lahat ng DOTr Office sa buong bansa.

Para makapag-register, kailangan lamang sundin ang mga sumusunod:
– I-download ang TRAZE App sa mobile store at i-install sa cell phone
– Buksan ang app at i-click ang “Register” button sa ilalim, Mag-register bilang “Individual”
– Sundin ang instructions sa app at ilagay ang mga kailangang impormasyon
– I-activate ang inyong account

Read more...