21 pang pulis, gumaling sa COVID-19

Aabot sa 15 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (October 28), 7,097 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 543 ang aktibo pang kaso.

21 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 6,532 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis na napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 22 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...