Vietnam nag-donate ng COVID-19 test kits sa Pilipinas

DFA photo

Nag-donate ang Vietnamese government ng US$50,000 halaga ng COVID-19 RT-PCR test kits sa Pilipinas.

Personal na tinanggap ang donasyon nina Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin, Jr. at Health Undersecretary Carolina Taino mula kay Vietnamese Ambassador Hoang Huy Chung.

Ipinadala ang mga test kit sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Tiniyak ni Ambassador Chung kay Secretary Locsin ang suporta ng Vietnam sa paglaban ng Pilipinas sa COVID-19 at pagprotekta sa kapakanan ng mga Filipino.

Naipadala sa Pilipinas ang donasyon sa tulong ni Vietnamese entrepreneur Johnathan Hanh Nguyen at Philippine Embassy sa Hanoi.

Dumalo rin sa seremonya sina Foreign Affairs Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Meynardo L.B., Foreign Affairs Director for Southeast Asia I Donna Celeste Feliciano-Gatmaytan, at Vietnamese Second Secretary Nguyen Thai Giang.

Read more...