Liz Uy, engaged na sa businessman boyfriend na si Raymond Racaza

Photo grab from @lizzzuy/Instagram

Inanunsiyo ng celebrity stylist na si Liz Uy na engaged na siya sa kaniyang businessman boyfriend na si Raymond Racaza.

Ibinahagi ito ni Liz sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account.

Nag-post si Liz ng larawan suot ang black oversized suit at engagement ring.

“In all lifetimes, always a yes,” saad sa caption ng IG post.

Bumuhos naman ang pagbati kay Liz mula sa kanilang mga kaibigan.

Read more...