Ipinasara ng Valenzuela City government ang isang pamilihan dahil sa paglabag sa ordinansa.
Ayon sa Valenzuela LGU, pinatawan ang Alfamart Tongco sa bahagi ng Maysan ng immediate closure order ng City Business Inspection and Audit Team (CBIAT) matapos mapatunayan ang hindi paggamit ng Valenzuela Tracing Application (ValTrace app).
Ang ValTrace app, gamit ang quick response o QR code system, ay bahagi ng ipinatutupad na preventive measures sa lungsod laban sa COVID-19.
Simula noong October 5, 2020 mahigpit nang ipinatutupad ang ‘No QR Code No Entry’ policy sa lahat ng establisyemento sa lungsod.
Sakaling may mahuling lumabag sa ValTrace Ordinance, sinabi ng Valenzuela City government na agad itawag sa CBIAT office sa numerong 8352-1000.