Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (October 28), umabot na sa 375,180 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 38,955 o 10.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,053 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.1 porsyento ang asymptomatic; 2.2 porsyento ang severe habang 3.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 61 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,114 o 1.90 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 540 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 329,111 o 87.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.