NCR at iang lalawigan sa Luzon, uulanin pa rin

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:08 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Metro Manila, Nueva Ecija, Zambales, at Bulacan.

Maaapektuhan din ang Alfonso, Tagaytay, Silang, Amadeo, Indang at Mendez sa Cavite; Laurel sa Batangas; Calamba sa Laguna; Antipolo at Tanay sa Rizal; General Nakar sa Quezon.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...