Manila North Cemetery ikakandado na mula mamayang hapon

Simula mamayang hapon ikakandado na ang mga daanan papasok sa Manila North Cemetery.

Ang pagsasara sa Manila North Cemetery ay isasagawa simula alas 5:00 ng hapon ngayong Miyerkules, Oct. 28.

Pagtugon ito sa utos ng Inter Agency Task Force na dapat ay sarado ang lahat ng mga sementeryo sa buong bansa sa paggunita ng Undas.

Ang lahat ng sementeryo at kolumbaryo sa buong bansa ay sarado mula October 29 hanggang November 4.

 

 

 

 

 

Read more...