Ayon kay Mayor Moreno, ito ay dahil sa panahon na ng tag-ulan at tiyak na marami ang magkakasakit at walang maipangbibili ng gamot at maintenance.
Hindi aniya dapat na maging hadlang ang bagyo para maantala ang pamamahagi ng tulong sa mga matatanda.
P500 ang buwanang matatanggap na allowance ng mga senior citizen.
Ayon sa pinakahuling tala ng OSCA, humigit-kumulang 83,210 na mga senior citizens na ang nakatanggap ng Senior IDs na magagamit din nila bilang debit cards habang nasa 144,000 naman ang kabuuang bilang ng senior citizens sa lungsod.
Bukod sa cash, nakatatanggap din ng cake ang mga senior citizen na nagdaraos ng kanilang kaarawan.
Dagdag pa ng alkalde, mahalagang kasapi ng komunidad ang mga senior citizens kaya dapat silang bigyan ng malasakit at suporta
Samantala, nagtatag din ang Pamahalaang Lungsod ng OSCAlinga centers habang tinitiyak din nito ang pamimigay sa Senior Booklet kung saan nakalagay ang mga discount sa iba’t ibang serbisyong nakukuha ng mga senior citizens sa Maynila.
Inilahad din ni Mayor Isko ang kaniyang kagustuhan na makipag-tulungan sa National Commission for Senior Citizens upang lalong mabigyan ng atensyon ang pangangailangan ng mga senior citizens sa loob at labas ng Lungsod ng Maynila.