Ngunit ayon kay Lacson ang nakikita niyang mali kay Parlade ay sobra itong mag-isip at madaldal.
Sinabi pa ni Lacson na sa sobrang kadaldalan ni Parlade ay siya na mismo ang nagsisilbing banta sa kanyang misyon bilang mataas na opisyal ng AFP.
Binanggit ng senador ang mga naging pahayag ng namumuno sa AFP Southern Luzon Command ukol sa mga ginagawang surveillance operations sa mga pinaghihinalaang subersibong personalidad.
Paalala din ni Lacson kay Parlade, base sa umiiral ng Anti-Terrorism Act of 2020, tanging ang korte lang ang makakapagsabi kung ang isang grupo ay maituturing na terrorist organisasyon tulad ng NPA.
Payo nito kay Parlade, magkaroon ng disiplina sa sarili at hinay-hinay lang sa pag-iisip at pagsasalita.