Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 42,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 7,988,853 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 7.2 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 611,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 500 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 120,054 na.
READ NEXT
P2.1M na halaga ng tilapia nasawi sa fish kill sa CamSur dahil sa pananalasa ng Typhoon Quinta
MOST READ
LATEST STORIES