P2.1M na halaga ng tilapia nasawi sa fish kill sa CamSur dahil sa pananalasa ng Typhoon Quinta

** re lake buhi fish kill story **
OCTOBER 27, 2020
PHOTO COURTESY OF Nonie Enolva, BFAR Bicol

Aabot sa P2.1 million na halaga ng tilapia ang nasawi sa Lake Buhi sa Camarines Sur dahil sa pananalasa ng Typhoon Quinta.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) regional office spokesperson Nonie Enolva, nagdulot ng fish kill ang malalakas na alon na dulot ng bagyong Quinta.

Nasawi ang mga isda na inaalagaan sa fish cages sa mga Barangay Iraya, Ebayugan, Tambo, Cabatoan, Salvacion at Sta. Elena sa bayan ng Buhi.

Partikular na ikinasawi ng mga isda ang bumabang oxygen level.

 

 

 

Read more...