73 residente sa Central Visayas, gumaling sa COVID-19

Nagkaroon pa ng 32 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 27, 22,199 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 872 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 73 ang bagong gumaling kung kaya 19,989 na ang COVID-19 recoveries.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,338 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...